Higit Sa Agham Ng Praktika

Lagyan natin ng kahulugan ang bawat karakter Isaayos itong konsepto’t ‘wag igapos sa pader Binigyan tayo ng kapangyarihang lumakad sa hangin Ramdamin mong maigi ang pagdaloy ng damdamin Ating propesyong pinili’y saan nga ba tayo dadalhin? Retaso ng mundo’y iniabot sa‘tin upang pagtagpiin Impormasyon sa mundo’y atin ring sinupin Ang pagkakataong maging tulay ng karununga’y ating angkinin Ningning na taglay natin ay naiiba sa lahat Nakabatay sa’yong tingin kung iigting ito ‘pagkat Gabay ka ng kapitan sa paglalayag nito sa dagat at Biniyayaan kang maghatid ng ideyang papawi sa pagkasalat Andito ka ngayon, nagtatanong kung may silbi Yaring sagot...

Read More