Author: Gillian Reyes

Kwentong Silid Aklatan II: Sa Iyong Ngiti at Tawa

Dalawang mata para sa dalawang kagandahan na nakita ko noong araw na iyon: ang aklatan na kay daming aklatan at siya. Pero dito muna magtatapos ang kwento namin. Mas pinagbigyan pansin ko ang mga libro dahil mas mahal kong magbasa sa edad kong iyon. SIguro sa susunod na linggo pero ngayon, yung mga nakita ko munang aklat noon. Talagang hook-and-bait lang yung pamagat. Sa aklatan ang kwento, kayo naman. Unang libro na napansin ko ay ang collection ng Goosebumps ni R.L. Stine. Sa mga susunod na taon ay nagkaroon ako ng koleksyon nitong mga librong ito ngunit natangay ni...

Read More

Kwentong Silid-Aklatan I: Maagang Mambabasa

Una kong marinig ang ‘library’ o silid-aklatan noong anim na taong gulang ako at nasa unang taon sa elementarya. Nagsimula ang lahat kay kuya nang yayain nya ako sa aming local library dahil kinailangan niyang magsiyasat tungkol sa mga kompyuter. “Sama ka sa’kin sa library,” anyaya ni kuya, “maraming libro doon at mahilig ka naman magbasa ‘di ba?” “Pero kuya,” buong reklamo ko dahil ayaw kong pumunta, “marami na akong libro dito.” “Mas marami doon,” balik nya. Binilang ko ang mga libro na nasa lagayan ko, isa, dalawa, tatlo… sampu. Marami naman ang sampu, naisip ko sa sarili ko....

Read More